Kung lakas ng loob ang pag-uusapan, hindi patatalo ang isang lalaki sa Quezon City na nakunan ng video ang paghuli sa dalawang sawa na nakitang nakalambitin sa puno.
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," nitong Linggo, nilinaw ng saksi na si Jun Regaspi na 2015 pa nakunan ang video pero pinatotohanan niya ang tapang ng lalaking humuli sa dalawang sawa na si Niel Burse.
Kuwento ni Jun, katatapos lang nang pagbaha sa kanilang lugar nang mapansin niya ang dalawang sawa na nakasabit sa puno.
Dahil kilalang nag-aalaga ng sawa si Niel, tinawag nila ito para siya na ang humuli sa sawa at namangha sila sa kaniyang ginawa. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
