Batang lalaki na nawala, natagpuang duguan na may hiwa sa tiyan at leeg
ABRIL 2, 2026, 10:19 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Isang lalaking limang-taong-gulang na huling nakitang kasama ang isang nakatatandang lalaki ang natagpuang kritikal at duguan, may malalim na sugat sa tiyan at leeg, at mga pasa sa mukha sa Navotas City. Ang ama ng biktima, inihayag na sinabihan siya na milagro kapag nabuhay ang kaniyang anak na sasailalim sa mga operasyon.