Patay sa isang engkwentro sa Baclaran ang suspek sa pagpatay sa isang Grab driver noong nakaraang taon.
Sa ulat sa 24 Oras nitong Linggo, kinilala ang napatay na suspek na si Narc "Nico" Delemios.
Napatay rin sa engkwentro si Senior Inspector Manuel Taytayon ng Pasay City police matapos magtamo ng mga tama ng baril baril sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
Mismong ang kinakasama noon ni Delemios ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad upang ilahad na ginamit ng suspek ang kaniyang cellphone para i-book ang sasakyan ni Maquidato.
Dati nang nahuli ng mga pulis si Delemios subalit nakatakas siya sa Pasay City Jail.
Nasangkot na rin siya sa kasong pagpatay noong 2014. —Anna Felicia Bajo/KBK, GMA News
