Hinoldap ng ilang armadong lalaki ang isang Korean National na kapapanalo lang ng P4 milyon sa casino sa Pasay.

Sa ulat sa GMA "Unang Balita" nitong Lunes, hinarang ng isang itim na SUV ang taxi kung saan nakasakay ang biktima.

Tinutukan umano sila ng baril ng tatlong lalaking naka-bonnet, ayon sa taxi driver.

Matapos tangayin ang bag na naglalaman ng P4 milyon pisong panalo ng biktima, mabilis na sumibat ang mga suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —Dona Magsino/ LDF, GMA News