Kalunos-lunos ang sinapit ng isang truck driver na nasawi matapos na maipit ang kaniyang ulo ng nakausling troso na karga ng sinusundan niyang truck sa Valenzuela City nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes, sinabi ng Valenzuela Rescue na nabasag ang windshield ng truck ng biktima kung saan lumusot ang isang malaking troso na karga ng isa pang truck na nasa harapan nito.

Naipit ng troso ang mukha ng nasawing driver.

Nasa kostudiya naman ng pulisya ang driver ng driver ng truck na may dala ng troso.
Inaalam kung paano nangyari ang disgrasya.--FRJ, GMA News