Mula sa kalsada, dumiretso at sumampa sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Cervantes, Ilocos Sur ang isang van na may sakay ang mga magkakatrabaho.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na galing sa Tuguegarao city ang van na magkakatrabaho ang mga sakay na papunta sana sa Sigay, Ilocos Sur para mamasyal.

Pero pagsapit ng van sa pababang bahagi ng kalsada sa Barangay Aluling, nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan at dumiretso sa bahay at lumanding sa ikalawang palapag.

Walang nasaktan sa nakatira sa nakatira sa bahay pero 14 ang sugatan, kabilang ang driver.

Naghain ng reklamo ang may-ari ng bahay laban sa driver, na wala pang pahayag sa nangyari.— FRJ GMA Integrated News