Libreng wifi at cellphone charging sa jeep?
Ilan lang yan sa mga features ng electric jeepney na inilunsand nitong Biyernes ng eSakay, Inc., isang subsidiary ng Meralco.
May 15 unit ang bibiyahe sa rutang MRT Buendia-Mandaluyong City Hall sa pamamagitan ng Jupiter Street.
Mula 5 a.m. hanggang 12 a.m. ang pasada ng mga e-jeepney.
Ayon kay eSakay chairman Alfredo Panlilio, P9 ang minimum na pasahe, P15 naman ang bayad mula sa MRT hanggang sa city hall at vice versa.
Bukod sa libreng wifi at USB charging ports, ang mga e-jeepney ng e-Sakay ay meron ding GPS, CCTV at automated fare collection system para sa ayaw nang mag-abot ng bayad ng iba. —NB, GMA News


