Agad na naaresto ang mga miyembro ng isang grupo ng armadong kalalakihan na nagpaputok ng baril sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, lulan ang mga suspek ng isang sports car at dalawa pang mga sasakayan.

Ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB nitong Huwebes ng umaga, biglang nagpaputok ng baril ang mga suspek nang makarating malapit sa Ospital ng Maynila.

Agad namang naaresto ang mga suspek at iniimbestigahan na ng mga pulis. —LBG, GMA News