Hindi pagkain kung hindi mga basura tulad ng sako at plastic ang nakita sa tiyan ng isang patay na Cuvier's Beaked Whale sa Mabini, Compostella Valley.

Sa ulat ni Mark Salazar sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, aabot sa 40 kilo ng basura ang nakita sa balyena na mapadpad sa dalampasigan  noong Biyernes matapos isinailalim sa necropsy ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa Sariaya, Quezon naman, isang green sea turtle o pawikan ang natagpuang patay na may tama ng matulis na bagay sa katawan at may plastic din sa lalamunan.

Nababahala na ang mga awtoridad sa sunod-sunod na pagkamatay ng ilang hayop dahil sa basura.

Kamakailan lang, may patay na babaeng pygmy sperm whale na nakita sa davao city na nakitaan naman ng condom, balat ng junk food at iba pang plastic sa sikmura. -- FRJ, GMA News