Inaresto ng mga pulis ang suspek sa paulit-ulit daw na panga-abuso sa isang 15-anyos sa Nabua, Camarines Sur.
Ayon sa ulat sa Balita Pilipinas, kinilala ang suspect na si Boyet Soliman, 30. No. 7 most wanted daw siya sa bayan ng Nabua.
Inaresto siya sa vulcanizing shop kung saan siya nagta-trabaho.
Nahaharap siya sa 13 counts ng kasong child abuse at exploitation.
Depensa ng suspect, hindi raw siya ang tunay na nang-molestiya sa dalagita.
Itinuro niya ang dati niyang amo.
Handa raw siyang harapin ang kaso sa korte.
Maari siyang magpiyansa sa halagang P180,000 para sa bawat isang count ng kaso. —NB, GMA News
