Patay ang isang babae matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa MRT-Boni Station nitong Lunes ng hapon.
Ayon kay Super Radyo dzBB reporter Glen Juego, pasado alas dos ng hapon nang mangyari ang pananaksak sa nanlilimos umanong biktima.
Sa kuha ng CCTV, makikitang nakatayo sa may hagdan ng istasyon ang biktima at tila nakikipag-alitan sa lalaking suspek.
BABALA: MASELANG VIDEO.
— Glen Juego (@glenjuego) May 27, 2019
Isang babae sa hagdan ng MRT-Boni Station ang sinaksak at napatay, kaninang pasado alas-dos ng hapon; Inaalam pa ang motibo sa krimen. @dzbb
???? DOTR-MRT pic.twitter.com/Wnfi1nlfSK
Nakasuot ng shorts, polo shirt at itim na sumbrero ang lalaki.
Ayon naman sa pamunuan ng Department of Transportation, isang guwardiya ang nakakita sa naturang babae na may saksak sa kaniyang dibdib.
Rumesponde ang mga awtoridad para madala sa ospital ang biktima na kalaunan ay binawian din ng buhay.
Inaalam pa ng Mandaluyong Police ang motibo sa pananaksak.
Hindi naman naapektuhan ng insidente ang operasyon ng MRT. — Dona Magsino/BM, GMA News
