Lubos ang pasasalamant ang isang babaeng guro sa kanyang asawa na hindi sumuko hanggang sa gumaling  siya at ngayon ay isa nang cancer survivor.

Nagkaroon si Wilma Panganiban ng  bukol sa matris, kidney, nagkaroon ng gallbladder stones, at iba pang impeksiyon.

Sa programang "Mars," sumulat si Dexter Panganiban upang ibahagi ang kwento ng asawa niyang si Wilma.

Dahil sa nasabing sakit, kinailangan ni Wilma na mag-chemotherapy ng pitong buwan. Nadagdag pa sa problema ang pagkakahatak ng hinuhulugan nilang jeep, malaking utang sa kooperatiba, at pagkabutas pa ng eardrums ni Wilma.

Ngunit hindi sumuko si Dexter, dahil sa kagustuhang humaba pa ang buhay ng kaniyang misis.

Panoorin ang matamis na pagpapalitan nila ng mensahe.

—Jamil Santos/LBG, GMA News