Nasawi ang isang motorcycle rider na nakainom umano, habang sugatan ang kaniyang angkas, matapos silang sumalpok sa concrete barrier sa kanto ng Ortigas at Meralco Avenue sa Pasig.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing naganap ang insidente bandang 3 a.m.
Nagkabitak-bitak ang dalawang concrete barrier matapos nila itong masalpok.
Sinubukang i-revive ng mga responder ang rider pero dinala na siya sa ospital dahil unresponsive na.
Namatay kalaunan ang rider.
Sinabi ng mga rescuer na lasing ang dalawa nang maganaap ang insidente.
“Medyo mabilis na po sila swerving then from here po, tumama na po sila sa barrier. ‘Di po nila nakita kasi medyo madilim din po talaga,” sabi ni John Marco Alexey Leung, team leader ng Ugong Rescue.
Nakaligtas naman ang angkas, na sinabing nanggaling sila sa isang get-together sa Antipolo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. — Jamil Santos/VBL GMA News
