Arestado ang magkapatid na lalaki sa Marikina dahil sa umano'y panggagahasa nila sa kanilang pinsan na nakikitira sa kanila nang mangyari ang krimen noong 2012.

Ayon sa ulat ni Emil Sumangil sa “24 Oras” nitong Lunes, unang nadakip sa bisa ng arrest warrant ang isang suspek na sinundan muna ng mga pulis habang nagbibisikleta.

Matapos na maaresto,  itinuro naman niya ang kinaroroonan ng kaniyang kapatid na sunod na dinakip.

Hindi nagpaunlak ng panayam ang mga suspek pero itinanggi nila ang akusasyon laban sa kanila.

“Ang sinasabi nila, siyempre puro pabor sa kanila. Kaya sabi ko, hindi ko ho papakinggan ang mga sinasabi niyo hindi kami ang husgado,” ani Police Lieutenant Ramiel Soriano ng Marikina police. -- Llanesca T. Panti/FRJ, GMA News