Sa programang Tonight With Arnold Clavio, inilahad ng mga bagong halal na sina Mayor Isko Moreno ng Maynila at Mayor Francis Zamora ng San Juan kung paano nila tutugunan ang mga kasalukuyang problema ng kanilang nasasakupan.
Isa sa mga hinaharap ni Mayor Isko ngayon ang polusyon sa Maynila kung saan kitang-kita ang smog at hindi maayos ang sewage system na nagdudulot ng pagbaha.
Si Mayor Francis naman, natanggap ang hinaing na level 1 hospital sa ngayon ang San Juan Medical Ospital kaya kailangan pang tumungo ng mga residente sa ibang siyudad para magpa-blood test.
Alamin kung paano nila ito tutugunan, at ang kanilang panawagan para tulungan sila ng kanilang mga constituents. — Jamil Santos/DVM, GMA News
