Bukod sa nagpapaganda ng ngipin, nagiging fashion statement din ang paglalagay ng dental braces o retainers. Pero dahil may kamahalan ito sa mga tunay na dentista, may mga naiingganyo sa mga bagsak presyong nagkakabit nito at maging sa nabibiling "DYI" o do it yourself sa halagang P500 lang.
Iyon nga lang, may babala ang mga awtoridad sa mga DYI o kaduda-dudang bagsak presyong pakabit ng dental braces o retainers dahil baka sa halip na gumanda ang ngipin, malagas pa ang mga ito at malagay pa kayo sa peligro.
Tunghayan nang makakuha ng kaalaman sa ulat ng ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
