Kinumpiska ng mga operatiba ng Manila City Hall ang aabot sa 20 na umano'y "may daya" na timbangan sa Blumentritt Market umaga nito Huwebes.

Sa ulat ni Isa Avendaño-Umali sa Super Radyo dzBB, sinabing ang kinumpiskang mga timbangan ay kulang ang timbang. At pati na yung isang guhit lamang ang daya ay kinumpiska rin.

Sisirain umano ang mga nakumpiskang mga timbangan upang hindi na magamit sa pandaraya.

Ayon sa ulat, inilista ng mga taga-city hall ang mga pangalan ng mga vendor na nahulilan madayang timbangan, ayon sa ulat. —LBG, GMA News