Patay ang isang pulis-Makati matapos maaksidente at magulungan ng trak sa Makati City, umaga nitong Miyerkoles.

Sa ulat ni Manny Vargas sa Super Radyo dzBB, kinumpirma ni Makati City Police chief Colonel Rogelio Simon ang pagkamatay ng isa niyang patrolman na naka-assign sa Police Community Precinct 4.

Sa paunang imbestigasyon, nangyari ang insidente sa northbound lane ng Osmeña Highway sa may Barangay  Magallanes.

Sinabing nagkaroon ng self-accident ang biktima at aksidenteng nagulungan ng dumadaang trak.

Naisugod pa umano sa ospital ang biktima ngunit ideneklarang dead on arrival ng doktor.

Nasa kustodiya na ng SLEX Traffic Team ang driver ng trak habang iniimbestigahan ang insidente. —LBG, GMA News