Hindi galing sa Marikina ang mga patay na baboy na palutang-lutang sa Marikina River, ayon sa lokal na pamahalaan.

Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Biyernes ng umanga, sinabi ng lokal na pamahalaan na noon pang 2003 umano ipinagbabawal na ng lungsod ang pag-alaga ng mga baboy sa bakuran (backyard hog raising).

Nakipag-ugnayan na ang marikina LGU sa Rizal provincial government upang malamang pinanggalingan ng mga patay na baboy.

Nakakuha ng atensyon ang mga patay na baboy bunsod na rin takot ng mga mamamayan sa African swine fever (ASF) na tumama sa mga alagang baboy sa ilang mga lalawigan.

Nailibing ang ang mga patay na baboy at na-disinfect na rin umano ang pinanglibingan ng nga ito. —LBG, GMA News