Malakas at malusog pa rin ang isang lola sa Kabankalan, Negros Occidental na ipinagdiwang ang kaniyang ika-122 kaarawan.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali Weekend" nitong Sabado, sinabing masayahin, kikay, at kalog pa rin si Lola Francisca Susano sa kaniyang edad.

Bagama't isang simpleng salu-salo, espesyal naman ang kaniyang birthday celebration na inihanda ng kaniyang mga kamag-anak sa kanilang bahay. Bukod dito, nakisaya rin ang ilang pulis.

Birthday wish naman ng kaniyang mga mahal sa buhay, sana ay magkaroon pa ng long and healthy life si Lola Francisca. — Jamil Santos/DVM, GMA News