Isang off-duty na pulis ang nasangkot sa rambulan ng mga kabataan sa isang food park sa San Miguel, Bulacan kamakailan.
Ayon sa ulat ni Emil Sumangil, nahagip sa CCTV at cellphone video ang gulong nagsimula daw sa titigan ng mga nakainom nang customer ng food park.
Isa sa mga na-hulicam sa rambol ay si PO1 Kempee Quizon na unang nakitang umaawat sa mga nag-aaway.
Kinalaunan ay kasama na siya sa away.
"Kung mapatutunayan po ito, maari po kaharapin ng pulis ang kasong administratibo, at criminal case," sabi ni Police Major Jordan Santiago, hepe ng San Miguel police.
Kasama si Quizon sa mahigit 20 kataong kakasuhan kaugnay ng rambol. —NB, GMA News
