Nasawi ang isang driver matapos mang-araro ng 16 na sasakyan ang minamaneho niyang 10-wheeler na truck sa Baguio City. Ang limang iba pang motorista, sugatan din.
Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nawalan umano ng kontrol ang driver habang nasa pababang bahagi ng Bokawkan Road.
Pero ayon sa mga nakasaksi sa insidente, mabilis ang takbo ng truck.
Patuloy na iniimbestigahan ang insidente. —NB, GMA News
