Mahigit 300 baboy ang pinatay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City dahil sa banta ng African swine fever (ASF), ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Ayon kay Barangay Captain Banjo Pilar, may isang hograiser na tumawag sa kanya at sinabing matamlay at maysakit ang ilan sa kaniyang mga alaga.

Doon na sila nagpasyang patayin ang mga may sakit na baboy bagama't hindi pa nakukumpirma na ASF nga ang tumama sa mga ito.

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng P3,000 para sa bawat baboy na pinatay.

Bukod pa 'yan sa P5,000 ibibigay na tulong sa bawat apektadong hograiser. —KBK, GMA News