Kabilang ang mga pasahero ng Philippine National Railways (PNR) ang nakararanas ng matinding kalbaryo sa pagsakay sa mga tren nito.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, ipinakita ang tagpo sa loob ng siksikang tren sa FTI station sa Taguig.
Hindi lang pagsakay ang pahirapan, kung hindi maging ang mga bababa.
Dahil sa punong-puno na ang tren at sinasalubong pa ng mga sasakay na pasahero, ang mga ilang pasahero umano ang hindi na nakababa sa kanilang destinasyon .
Sa Tutuban station pa lang umano ay punuan na ang tren.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), wala pang sampu ang tren ng PNR na nagseserbisyo para sa 70,000 pasahero kada araw.
Gumagawa na raw sila ng hakbang para palawigin ang kapasidad ng PNR.--FRJ, GMA News
