Na-hulicam ang buwis-buhay na pagkapit ng isang mangangalakal sa isang umaandar na truck sa Road 10 sa Maynila noong isang linggo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Sa video, makikita ang mangangalakal na sakay ng kaniyang pedicab kasunod ng truck.

Pero 'di lang pala siya basta nakasunod dahil nakakapit siya sa truck habang umaandar ito.

Sabi ng kumuha ng video, sinabihan nila ang driver ng truck tungkol sa nakasabit na mangangalakal.

Hindi na raw nila alam kung anong sumunod na nangyari dahil kinailangan nilang mauna sa nasabing truck. —KBK, GMA News