Nahagip ng Philippine National Railways tren at nasugatan ang isang 74-anyos na babae sa San Andres, Manila noong Sabado.
Batay sa kuha sa dash cam ng isang miyembro ng San Andres fire rescue volunteers, patawid ang matanda sa kalsada ng Vito Cruz at hindi na pansin ang paparating ng tren.
Sinigawan pa ng traffic marshal ang matanda na sumubok na mang umatras. Ngunit masyado na siyang malapit sa riles at nahagip ng tren, at nakaladkad.
Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Delia Cercado, na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital. —LBG, GMA News
