Arestado ang isang motorcycle rider at isang babae sa buy-bust operation sa Cubao, Quezon City. Depensa ng babaeng suspek, ibinigay sa kanya ng rider ang shabu dahil wala itong maipambayad nang magtalik sila.

Ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes, agad inaresto sina Rhea Calumba at rider na si Jomar Ofcemia matapos silang mabilhan ng P500 halaga ng shabu.

Nakuha sa kanila ang 24 na sachet na may street value na P20,400

Napag-alamang nakulong na noong 2016 si Ocfemia dahil din sa pagbebenta ng droga. Depensa niya, hindi siya nagtutulak at isinabay lang niya sa motorsiklo si Calumba.

Si Calumba naman, iginiit na nagtalik sila ni Ocfemia at droga ang ipinambayad sa kanya. —KBK, GMA News