Maayos na ang kalagayan ng isang sanggol matapos itong matagpuan sa gilid ng kalsada sa Zamboanguita, Negros Oriental.
Sinabi ng Rural Health Officer na nakita ang sanggol na puno ng kagat ng langgam sa iba't ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng GMA News TV Balitanghali Weekend nitong Sabado.
Tinatayang limang araw na mula nang isinilang ang bata, samantalang hinahanap na ang kaniyang mga magulang na nang-iwan sa kaniya. — Jamil Santos/DVM, GMA News
