Masayang nagdiwang 100th birthday ang isang lola sa Daraga, Albay, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.
Ayon kay Lola Emeteria Millenia Milallos Healthy, sikreto ng kanyang long life ang healthy lifestyle, pagkain ng gulay at pag-inom ng herbal juice.
Dahil umabot sa 100 years old nakatanggap si lola ng certificate of recognition at P20,000 mula sa lokal na pamahalaan.
Makakatanggap pa siya ng P50,000 mula naman sa provincial government ng Albay at P100,000 mula sa Department of Social Welfare and Development. —KBK, GMA News
