Anim katao, kabilang ang dalawang magkapatid na menor de edad ang nasawi sa sunog na naganap sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ni Isa Avendano-Umali sa "Dobol B sa News TV," naganap ang sunog sa panulukan ng ng Tioco Street at Herbosa Street, na malapit sa palengke ng Pritil.

 

 

Dalawa umano sa mga biktima ay menor de edad at isang senior citizen.

Naiwan umano ang magkapatid sa bahay habang namimili ang kanilang ina.

Bukod sa mga nasawi, apat na iba pa ang nasugatan, kabilang ang isang bumbero. Tumagal ng mahigit isang oras ang sunog na umabot sa unang alarma.

Naganap ang sunog ilang araw bago ipatupad ang hard lockdown sa Tondo sa Linggo.

Patuloy pa ang imbestigasyon para alamin ang pinagmulan ng sunog.--FRJ, GMA News