Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 15 tauhan ng Sumitomo-MHI-TESP, ang  maintenance provider ng MRT3. Pero hindi raw nito maapektuhan ang operasyon ng tren.

Sa ulat ni Vonne Aquino sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing isang kawani ng Sumitomo-MHI-TESP ang unang nagpositibo sa virus na nakaranas ng sore throat.

"The depot personnel's last day to report at the depot was on June 8. On the same day, contact tracing was done for the COVID-19 positive Sumitomo-MHI-TESP depot worker, with 32 depot personnel being identified to have made contact with the worker," ayon sa pamunuan ng MRT3.

Sa sumunod na araw ay kumuha ng RT-PCR test ang 32 kawani at 14 sa kanila ang lumabas na positibo sa virus pero pawang mga asymptomatic o walang sintomas ng sakit.

Kaagad naman umanong nagsagawa ng disinfection procedure ang MRT-3 sa quality control office kung saan nakatalaga ang mga kawaning nagpositibo sa COVID-19.

"Ang ni-lockdown lang namin 'yung area nu'ng quality kasi doon nanggaling 'yung primary patient natin, ano? And then the rest okay naman kasi malayo naman siya, isolated naman siya sa production areas atsaka sa maintenance area natin," sabi ni MRT3 director Michael Capati.

"So okay lang at hindi rin siya- wala 'tong ano, wala 'tong connection doon sa ating stations. They are very very far," dagdag ng opisyal.

Maliban sa regular na disinfection sa mga tren at istasyon, inulit umano ang depot-wide disinfection nitong Lunes.

Nagdagdag pa umano ng health at safety protocols ang MRT3 para malimitahan ang "contact" ng depot personnel at station personnel.

"From depot via ano na kami radyo na ang communication namin sa station, hindi na by personnel. Dati-rati personnel ang pumunta doon, ngayon radyo na lang para at least wala nang interactioon na mangyayari from the depeto," ayon kay Capati.

"And at the same time, nandoon pa rin 'yung ating frequent, of course, 'yung wearing ng mask, 'yung frequent hygiene natin. and 'yung thermal scanner natin, and the- keep on reminding the people, especially 'yung social distancing din sa work," patuloy niya.

Target umano ng MRT na maisalalim sa rapid anti-body test ang 800 hanggang 1,000 nilang tauhan na nagsimula nitong Huwebes. --FRJ, GMA News