Arestado sa Kawit, Cavite ang itinuturing na "most wanted" ng Maynila na may kasong murder, ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
Tatlong taon daw nagtago si Rodel Sevial matapos mapatay sa saksak ang may-ari ng inuupahan niyang bahay.
Umamin si Sevial sa krimen. Aniya, napuno lang siya dahil tinaasan ng biktima ang renta sa bahay. Bukod dito, parati pa raw siya nitong minumura at nilalait.
Humihingi si Sevial ng tawad sa pamilya ng kaniyang biktima. --KBK, GMA News
