Isang SUV ang bumangga sa mga concrete barrier na nakalagay sa northbound lane ng EDSA-Ortigas flyover nitong Miyerkules. Kamakailan lang, nahuli-cam ang pagbangga ng isang taxi sa mga concrete barrier sa EDSA-Ayala underpass.

Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority-EDSA Special Traffic and Transport Zone head Bong Nebrija, na naharangan ng Isuzu Crosswind ang busway matapos mabangga ang  kongkretong harang.

Masuwerte naman na walang nasaktan sa naturang insidente, ayon pa kay Nebrija.

Dakong 3:30 pm, ay hinihintay pa ang tow truck na mag-aalis sa bumanggang sasakyan at aayusin ang mga napinsalang harang.

 

 

 

Noong madaling araw ng July 11, bahagyang nasaktan ang isang driver nang bumangga ang minamaneho niyang taxi sa mga kongkretong harang sa EDSA-Ayala underpass.

Hindi nagtagal, isang taxi ang sumulpot sa kaniyang kaliwang bahagi at sumenyas na mag-o-overtake na pinagbigyan naman ng motorista.

Ayon kay Nebrija, may pagkakamali ang driver ng taxi dahil nag-overtake ito kahit may "solid white line" sa lugar na ibig sabihin ay bawal ang mag-overtake o pagpalit ng linya.

Posibleng naka-dim umano ang ilaw ng taxi kaya hindi agad napansin ng driver ang mga harang na kongkreto. --FRJ, GMA News