Asahan ng mga motorista ang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines.
Sa fuel price forecast ng Unioil sa Enero 18 hanggang 24, nasa P1.70 hanggang P1.80 per liter ang madadagdag sa presyo ng diesel.
Samantala P0.90 hanggang P1.00 per liter naman sa presyo ng gasolina.
Karaniwang inaanunyo ng mga oil company tuwing Lunes ang oil price adjustment at ipatutupad sa Martes.
Ngayon taon, umabot na sa P2.60 per liter ang nadagdag sa presyo ng gasolina, habang P3.50 per liter naman sa diesel. —FRJ, GMA News

