Online class o kasal? Maaari umano itong pagsabayin, at ito mismo ang ginawa ng isang groom.

Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkules na nasa reception ng kanyang kasal noong February  8 ang groom na si Ronald Carlton.

ADVERTISEMENT

Pero sa gitna ng kasiyahan sa reception, isinabay niya ang pag-o-online class.

Second Year law student umano si Ronald at naisip niyang mag-absent sa kanyang on-line class sa panahong iyon. Pero hindi na niya itinuloy ang pagliban sa klase.

Katuwiran raw ni Ronald, kasabay umano kasi sa pagbuo ng pamilya ang pagkaroon ng magandang kinabukasan para sa asawa't magiging mga anak nila. —LBG, GMA News