Isang araw bago ang kaniyang fifth death anniversary, hinukay ang mga labi ng 17-anyos na si Kian delos Santos na napatay noon sa anti-illegal drug operation sa Caloocan City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ng miyembro ng Paghilom Program na mapapaso na rin ang kontrata ng pamilya ni Delos Santos sa sementeryo.

Hinukay rin ang mga labi ng dalawa pang biktima umano ng extrajudicial killings.

Ang mga labi ay susuriin ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun. Pagkatapos nito ay bibigyan ng pagkakataon ang kani-kanilang pamilya para makapagluksa.

Ayon sa Paghilom Program, magbibigay din sila ng counseling sa pamilya ng mga biktima.--FRJ, GMA News