Muling nagpa-alala sa publiko ang mga awtoridad na mag-ingat sa mga delivery scam.

Nagreklamo ang isang consumer dahil may nag-deliver at may pinabayarang parcel sa kanya, na kalaunan ay napag-alamang hindi pala inorder.

Sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing isang package mula sa kanyang biyenan ang tinanggap ng biktima noong Agosto.

At dahil wala sa bahay ang kanyang biyenan, siya na ang nagbayad sa delivery.

Nalaman na lamang ng biktima na na-scam siya pagdating ng kanyang biyenan. —LBG, GMA News