Nahuli-cam ang panghahablot sa bag ng dating aktres na si Hazel Espinosa sa Quezon City.

Sa ulat sa Unang Balita ni James Agustin nitong Biyernes, makikita sa video ang aktong panghahablot sa bag.

Nagyari ang insidente sa Barangay Laging Handa nitong Huwebes ng gabi.

Nahuli ng mga awtoridad sa follow-up operation ang suspek sa Barangay Holy Spirit, sa tulong na rin ng GPS. —LBG, GMA News