Inaresto ng mga pulis-Navotas ang isang lalaki dahil umano sa pagpaputok ng baril.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ni Jonathan Andal na nagpaputok ng baril sa loob ng kanyang bahay ang lalaki habang nakikipag-inuman.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang akusasyon nang siya'y hulihin.

Ang idinahilan niya sa pagpaputok ng baril ay bigo siya sa lovelife niya matapos sumama sa ibang lalaki ang kanyang kinakasama.

Napag-alaman din na kabibili lamang ng suspek ng hindi lisensyadong baril. —LBG, GMA News