Nasakote na ng mga awtoridad ang apat sa 10 detainees na pumuga mula sa Malibay Detention Facility sa Pasay City nitong Lunes.

Kinilala ng Southern Police District (SPD), ang mga naarestong muli na sina:

  • Joey Hernandez
  • Eden Garcia
  • Tirzo Galit
  • Joshua Panganiban

Nag-alok din ang pulisya P100,000 pabuya sa makapagtuturo upang madakip ang anim na iba pa.

Dakong 4:30 am kaninang madaling araw nang maganap ang pagtakas ng mga detainee na nahaharap sa iba't ibang kaso tulad ng may kaugnayan sa ilegal na droga at pagnanakaw.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, tatlo umano sa mga nakadetine ang nakalabas ng selda sa pamamagitan ng pagsira sa rehas na bakal.

Kasunod nito, pinagtulungan nila ang naka-duty na jail guard. Kinuha umano ng mga detainee ang baril nito, pera, at susi sa ibang selda.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang paglabas ng mga lalaki mula sa pasilidad.

Kinilala ng SPD ang mga pumuga na sina:

1. Richard Dela Cruz (Violation of RA 9165/Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002);

2. Carlo Magno Benavidez y Legaspi (Violation of RA 9165)

3. Christian Salvatierra y Samson (Violation of RA 9165)

4. Norman Deyta y Punzalan (Violation of RA 9165)

5. Joey Hernandez y Gabriel (Violation of RA 9165)

6. Eden Garcia y Rodriguez (Violation of RA 9165)

7. Tirzo Galit y Navarro (Robbery)

8. Joseph Osorio y Canama (Violation of RA 9165)

9. John Michael Cabe y Medellin (Carnapping)

10. Joshua Panganiban (Robbery)

Hiniling ni SPD chief Police Brigadier General Kirby Kraft sa publiko na makipag-ugnayan sa kapulisan kapag may nalalamang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga pugante.

“Maari rin po ninyo itong ireport sa mga numerong: 09568005277 (Globe), 09985987922 (Smart) PASAY TOC at DTOC sa numerong 09173661036,” anang opisyal. —FRJ, GMA Integrated News