Pinalitan ng Twitter ang kanilang logo ng imahe ng Dogecoin, na galing sa internet meme na Doge.
 
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing napansin ng users na napalitan ang logo ng social media platform ng larawan ng isang Shiba Inu.

Ang Dogecoin ay isang cryptocurrency.

Ito ay sa gitna ng $258-billion lawsuit na kinahaharap ng CEO ng Twitter na si Elon Musk kaugnay sa mga alegasyong nagpapatakbo umano siya ng pyramid scheme para suportahan ang nasabing cryptocurrency.

Nag-tweet naman si Musk tungkol sa pagpapalit ng logo.

Sinabi ni Musk na tinupad lamang niya ang isang pangako sa isang Twitter user na papalitan niya ang logo sa meme na doge.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News