Dalawang mananaya ang maghahati sa mahigit P81-milyon na jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes ng gabi, Abril 18, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na dalawang mananaya ang nakatama sa lumabas na mga numero na 42-21-01-36-23-37.

Mayroon itong kabuuang premyo na P82,139,803.60.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na kombinasyon ay 48-34-08-04-13-53.

Umabot na ang premyo nito sa P65,545,490.60.

Wala ring pinalad na makahula sa mga lumabas na numero sa isa pang draw na Superlotto 6/49.

Ang kombinasyon ng mga numero ay 48-04-21-44-35-34, at P15,840,000.00 ang jackpot prize.--FRJ, GMA Integrated News