Nasabat ng mga awtoridad ang aabot sa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang tulak umano ng droga sa Quezon City.

Iniulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles na mismong sa labas ng kanyang bahay hinuli ang suspek na si Niño Nhazer Ablaza matapos siyang mabilhan ng P1,000 halaga ng droga.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Bahay Toro ng lungsod.

Nakuha mula sa suspek ang kabuuang 20 gramong umano'y shabu na may street value na P136,000.

Ito na umano ang ikalawang beses na makukulong ang suspek ng dahil sa droga, ayon sa ulat.

Kalalaya lamang umano n-+i Ablaza nitong Enero, ayon sa mga pulis.

Amindo ang suspek na nagtutulak siya ng droga.

Mahahrap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —LBG, GMA Integrated News