Wala pa ring tumama sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes, June 9, 2023, na umabot na sa mahigit P227 milyon ang premyo.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na zero winner sa 6/58 draw na ang lumabas na mga numero ay 34-47-30-26-07-46.

Umabot ang kabuuang premyo nito sa P227,492,479.60.

Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad na mayroong 13 mananaya ang nanalo ng P120,000.00 na second prize.

Samantala, wala ring nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw na ang lumabas na mga numero ay 35-14-29-07-08-32, at may premyong P8,910,000.00.--FRJ, GMA Integrated News