Patay ang isang truck driver na tumatawid matapos siyang masalpok ng isang van sa national highway sa Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa State of the Nation, mapapanood na nakaladkad at tumilapon ang lalaki sa lakas ng impact.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng bibili lang sana ng pagkain ang lalaki nang maganap ang aksidente.

Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima habang pumayag ang driver ng van na sasagutin niya ang gastusin sa burol at libing ng biktima. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News