Sa Silang, Cavite tumaya ang masuwerteng mananaya na nasolo ang mahigit P147 milyon na jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw nitong Linggo, Oktubre 15, 2023.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na isa ang nanalo sa Super Lotto 6/49 matapos mahulaan ang lumabas na mga numero na 47-35-02-13-38-17.
Umabot ang kabuuang premyo nito sa P147,354,716.40.
Sa Facebook page ng PCSO, nakasaad na mayroong 40 mananaya ang tumama ng 2nd prize na may premyong P50,000.00.
Samantala, wala naman tumama sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga numero ay 56-53-40-06-35-42, at may premyong P49,500,000.00.
Gayunman, mayroon namang dalawang nanalo ng 2nd prize na may katumbas na premyong P120,000.00.
Ngayong Lunes ng gabi, Oct. 16, may bola para sa Grand Lotto na may premyong P29.7 milyon, at Megalotto 6/45 na P8.9 milyon naman ang jackpot prize. -- FRJ, GMA Intgrated News
