Nananatiling mailap ang mahigit P151 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 matapos na walang manalo sa draw nitong Biyernes, Pebrero 23, 2024.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa naturang draw ay 29-55-36-58-10-50, na may kabuuang premyo na P151,920,834.00.

Sa Facebook page na PCSO Games Online Hub, nakasaad na mayroong 13 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na may premyong P120,000.00.

Huling napanalunan ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 noong December 29, 2023 na may premyong P571 milyon.

Samantala, wala ring nanalo sa kasabay na draw nitong Biyernes na Megalotto 6/45.

Ang mga lumabas na mga numero ay 33-27-29-26-45-04, ay may premyong P64,871,617.60.

Mayroong 17 mananaya ang nanalo ng 2nd prize na may premyong P32,000.00.

LOTTO RESULT HERE:

-- FRJ, GMA Integrated News