Pinagpiyestahan ng mga residente ang sangkatutak na alamang na ibinuga ng isang butanding na napadpad sa sa dalampasigan sa Casiguran, Aurora.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, makikitang kaniya-kaniyang pulot ang mga bata sa alamang sa baybayin ng Barangay Poso.

Sinabi ng mga residente na napadpad ang isang butanding sa babayin, bago nito ibinuga ang alamang. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News