May malakihang oil price rollback na aasahan ang mga motorista sa susunod na linggo.
“Based on the four-day trading in MOPS (Mean of Platts Singapore), we will be experiencing a rollback in the prices of petroleum products by next week,” ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.
Ang tinatayang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay ang mga sumusunod:
- Gasolina - P1.40 hanggang P1.70 kada litro
- Diesel - P0.90 hanggang P1.20 kada litro
- Kerosene - P1.50 hanggang P1.70 kada litro
Ipinaliwanag ng opisyal na ang inaasahang rollback sa presyo ng langis ay dulot ng mga sumusunod na pangyayari sa daigdig:
- Pagtaas ng commercial crude oil stockpiles sa US
- Plano ng OPEC+ na magdagdag ng kanilang output pagsapit ng Abril
- Mga taripa ng US laban sa Canada, China, at Mexico na nagpapalala ng mga tensiyon sa kalakalan
Inihahayag ng mga fuel company ang opisyal na price adjustments tuwing Lunes, at ipatutupad sa susunod na araw ng Martes.
Nitong nakaraang Martes, March 4, natapyasan ng P0.90 per liter ang presyo ng gasolina, P0.80 per liter sa diesel, at P1.40 per liter sa kerosene. -- mula sa ulat ni Ted Cordero/FRJ, GMA Integrated News

