Ang Akbayan, Duterte Youth, at Tingog ang nangunguna sa partial, unofficial tally sa party-list race sa Eleksyon 2025.

Makikita sa latest partial, unofficial results ng botohan sa Eleksyon 2025 website ng GMA na mula sa Commission on Elections, na nakakuha na ang Akbayan got 2,633,491 boto o 3.77% ng kabuuang mga boto.

Sumunod naman ang Duterte Youth party-list may 2,146,221 na boto, at Tingog na may 1,595,624 na boto.

Base iyan sa 71.17 percent ng mga naprosesong election returns o katumbas ng 51,808,990 na mga boto.

Kasama sa top 10 na party-list groups ang 4Ps, ACT-CIS, Ako Bicol, Solid North Party, Uswas Ilonggo, Trabaho, at CIBAC.

Ang mga partylist group na mananalo ay magkakaroon ng upuan sa Kamara de Representantes.

Bisitahin lang ang GMA News Online at i-click ang eleksyon2025.ph para sa partial, unofficial election results para sa mga kadidatong senador, party-list, at maging sa mga lokal na posisyon. –FRJ, GMA Integrated News

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.